Worth it

This is my first solo travel and it made me understand the hype that lies beneath. You do it because it’s great for you. You do it because it’s fun. You do it because it clears your head of toxic and self-damaging thoughts. For whatever reason you have, you do it because you know the hundred-miles journey will always be worth it, no matter how hard it seems.

Advertisements

Of faces and places: Sagada Solo Trip Part 2

4:00 AM. Nag-text ang tour guide na nakausap ko sa Tourism Information Office na i-cancel na daw niya ang activity namin para sa umagang ‘yon. Plano ko sana na pumunta sa Marlboro Country at mag-traverse papunta sa Blue Soil Hill. May couple akong nakilala na gusto din’g sumama. ‘Yon nga lang hindi na sila sasama sa akin sa Blue Soil dahil pagkababa ng Marlboro didiretso na sila sa Buscalan.

Pero dahil nga maulan pa at mukhang hindi makikita mula sa taas ang pagsikat ng araw at ang sea of clouds, our guide cancelled the trip so I had to resort to my Plan B. Unang beses ko gumawa ng itinerary and okay din pala to prepare for another plan in case Plan A won’t work out for some reason. Pero syempre mas okay pa din kung masunod ang nakalagay sa itinerary. Hahaha.

I decided to go to Bomod-ok Falls instead dahil hindi ko rin naman ito napuntahan dahil mas pinili ko’ng mag-ikot at kumain nang kumain kahapon. So I texted Kuya Tour Guide and siya na ang naghanap ng grupo na pwede kong samahan. Ilang minuto lang, nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa jump-off point pa-Bomod-ok. Pito kaming lahat. Dalawa sa mga kasama ko ay kasama ko din sa lodge na tinutuluyan ko. ‘Yong tatlo naman at Coastal Resource Management Volunteers mula US Peace Corps na nagrerender ng kanilang serbisyo dito sa bansa, at ang isa naman ay solo traveler din tulad ko.

IMG_20180615_102222_034
At the jump-off point. Nagbayad kami ng tour guide fee. Php 82.00 lang bawat isa.
IMG_20180615_102625_893
Kaunting orientation from our tour guide, Ate TG (Tour Guide; nakalimutan ko ang pangalan niya) Hahaha.
IMG_20180615_103929_647
Mahigit isang oras din ang trekking pababa ng falls. Nakakanginig ng tuhod.
IMG_20180615_105002_043
Napadaan kami sa isang barangay pababa. Sila daw ang mga sundalo na nagpapanatili ng kaayusan sa lugar na ‘to.
IMG20180615110605
On the way to Bomod-ok Falls. We’re almost halfway! And yeah, I got TJ’s back as shown in the photo (literal!)
IMG20180615110550
Following John and TJ. I cannot feel my legs anymore. Huhu. Joke lang.
IMG20180615110139
 Stopped by Banga-An Rice Terraces. Ang ganda!

IMG20180615115518
This is it! The famous Bomod-ok Falls! Your beauty is enchanting!

After almost an hour of trekking, we have already reached our destination. The temperature that morning dropped from 19 to 15 degree Celsius. Still a great experience though. Ang mahalaga solo namin ang falls! Hahaha.

IMG20180615115047
Saya!
IMG20180615115028_1
Captivated by your beauty
IMG20180615115155
Si Jess. Volunteer din siya from US Peace Corps based in Cebu. Three weeks na lang babalik na siya sa US. Sad 😦
IMG20180615115424
The gang. Jess (based in Cebu) and Melissa (based in Mindoro).
IMG20180615120034
Bomod-ok buddies. Ako, si Kaye, si Jess at si Lee.
IMG20180615113906
I literally braved the cold! (and it never bothered me anyway. LOL!)

Take-away from my second day in Sagada

I was reminded that sometimes we need to step back and re-evaluate the things that really matter; the ones that bring us at our most authentic and happiest self, the fears that need to be conquered, and the love that comes from within.

Of faces and places: Sagada Solo Trip Part 1

7 PM. HM Transport sa Cubao. Nakaupo ako sa isa sa mga mahabang bangketa sampu ng iba pang mga pasaherong babayahe patungong Cordillera – Banaue, Bontoc o Sagada.

Kinakabahan ako. At the same time, natutuwa. Ito ang unang beses na magta-travel ako mag-isa. Weird as it may seem to be pero hindi ko talaga nakita ang sarili ko na aalis at pupunta sa kung anu-anong lugar nang walang kasama at nag-iisa. Pero andito ako ngayon. Malabo pa ang mga rason kung bakit. Pero ang mahalaga andito na ako ngayon.

IMG_20180613_193524_909
Sa loob ng bus papuntang Sagada.
IMG_20180614_062754_611
Nasira ‘yong gulong sa likod ng bus na sinasakyan namin. Buti na lang kasunod namin ‘yong isa pang Coda Lines bus kaya nagawa nila ‘yong gulong. 

Hindi ko matandaan kung ano ang dahilan bakit Sagada ang napili kong puntahan. Ang totoo niyan nakapunta na ako sa lugar na ‘to nito lang Enero ngayong taon. Kahit na pinangako ko sa sarili ko na babalik ako ulit isang araw sa lugar na ‘to, hindi ko inexpect na limang buwan lamang ang pagitan at bibisitahin kong muli ang Sagada.

Most of the people here knew what I went through recently. My previous partner and I ended our relationship. At marahil iniisip ng iba na ang main goal ng trip na ‘to ay para mag-move on. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako dahil may kinalaman ang break-up kung bakit ito ang lugar na napili ko, o hindi dahil hindi naman talaga ako naniniwala na makakamove-on ang isang tao sa pamamagitan ng pagta-travel mag-isa, o pamumundok halimbawa.

Siguro kaya Sagada ang ang napili ko dahil pinangako ko sa sarili ko na noong unang beses ko pumunta dito na sa pagbalik ko kasama ko na siya. Na sabay kaming mag-lilibot sa maliit na bayan na’to at aakyat ng Marlboro – dahil balita ko mas maganda doon ang sunrise viewing kesa sa Kiltepan. Yun nga lang, hindi na ito mangyayari dahil wala na kami. Kaya ako na lang mag-isa ang gagawa ng mga bagay na ‘to.

IMG_20180614_162137_190
Residential Lodge, Sagada
IMG_20180614_085544_613
9:00 AM nang makarating ako sa accommodation ko. Home for three days!

“Ang lamig lamig po dito ngayon, ang lamig po! Grabeng lamig. Ah, hindi naman po masyadong malamig pero malamig sakto lang po. Parang ano, parang Baguio na mas malamig po.” Hahaha. Joke lang, hindi ako si Mocha pero totoo na malamig doon at kadalasan eh umuulan. Bearable pa din para makagala.

I honestly made an itinerary for this trip at kahit na umuulan eh kampante akong magagawa ko pa rin ang mga isinulat ko doon. So para sa unang araw ko literal na nag-ikot ako para kumain. Pinuntahan ko ang mga lugar na hindi ko nakainan ‘nong unang beses kong bumisita dito.

IMG_20180614_124346_885
Banana, Granola, Strawberry Preserve Yoghurt from Yoghurt House. Php 120.00 lang!
IMG_20180614_163455_731
Sagada Lemon Pie House
IMG_20180614_163739_194
The famous Sagada lemon pie and mountain milk tea. Php 60.00 lang!
IMG_20180615_065701_749
Bana’s Cafe & Restaurant
IMG_20180615_072539_810
Solid ‘yong bangus nila dito sa Bana’s. Php 125.00 lang!
IMG_20180614_181959_000
Sagada brewed coffee at Slabhouse

Literal na inulan ang unang araw ko sa Sagada but the rain did not stop me para mag-enjoy. Ika nga, “Learn how to dance in the rain.” Imbis na magkulong sa kwarto dahil maulan, kumain na lang ako ng kumain at nag-muni-muni. And while having my me-time, I realized one thing. Na hindi pala natin dapat hinahanap yung value natin sa isang tao. Instead we must learn to commend ourselves and remember that we are significant to God. Guilty ako sa bagay na ‘to. Kadalasan naghahanap ako ng affirmation mula sa ibang tao and that definitely means living up to their standards, not mine. And in the process of pleasing people, sometimes I lose a part of myself.

All along akala ko naisasabuhay ko na ‘yong mantra na ‘Fuck what other people think,” pero when I evaluated it hindi pa din pala. But God reminded me to not please people in order to see my own worth. Because for Him alone, I am significant. And that should be enough.

So this is how I started

2009. Naalala ko pa kung paano ako nagsimula sa mundo ng pagba-blog. Ang blogging ay nagsilbing online diary para sa’kin. Dito ko nasusulat lahat ng mga bagay na hindi ko kayang ikwento sa kahit na kanino. Ito ang hingahan ko sa mga panahong nararamdaman ‘kong wala akong kakampi sa mundo. Talaan ko din ito ng mga masasaya at magagandang alala ng buhay ko. At kung minsan, lisatahan ng mga bagay na sinisikreto ko at tinatago sa ibang tao.

High school ako ‘nong magsimula ako sa pagba-blog. Naengganyo akong gumawa ng account sa Multiply para makapag-comment ako sa blog posts ng paborito ‘kong reporter na si Ryan Chua. Sa mga hindi nakakaalam si Ryan ay dating Senior Reporter ng ABS-CBN bago siya tumungo ng China para magtabaho para sa CCTV News.

Nong mga panahon na ‘yon, graduating College student pa lang si Ryan sa Ateneo. Sinusundan ko ang buhay niya at sinusubaybayan ko mga posts niya sa Multipy. Hindi pa kasi ako bihasa sa Facebook noon at wala pa akong twitter account. At dahil updated naman ang blog niya, doon nalang ako madalas tumambay.

Naalala ko ‘yong coming out story niya na ipi-nost niya mismo sa blog niya. Tuwang tuwa ako sa kanya noon kasi ang tapang niya. Sabi niya sa blog niya isinulat niya sa The Guidon (official student school publication ng Ateneo de Manila) ang kwento ng pag come out niya at presto! buong Ateneo lang naman yata ang nakaalam.

Aaminin ko, naging malaking impluwensiya inspirasyon si Ryan sa buhay ko nung estudyante pa ako. Achiever din kasi siya (Chevening Scholar lang naman ang lolo niyo at nagtapos with Distinction sa kursong International Journalism sa City, University of London), at isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Sobrang humble pa at masayahin.

Mula noon, sinabi ko sa isip ko na gusto kong makilala sa personal si Ryan Chua. In-add ko siya sa Facebook noon. Luckily inaccept niya naman ang request ko at hanggang ngayon magkaibigan pa din kami.

At totoo nga na maliit lang ang mundo. Fast-forward to 2013. Dahil journalism student din ako tulad ni Ryan, naisipan kong mag-apply sa PCIJ at Rappler for internship. Thank you kay Lord dahil natanggap ako sa dalawang news organizations na ‘yan. At ang pinaka-kinakikiligan ko eh ‘yong naging boss ko yung professor ni Ryan sa Ateneo (!!!) – si Mam Chay Hofilena.

Aba aba nararamdaman ko na. “Anytime soon magkikita kami nito ni Ryan,” sabi ko. O diba? Ambisyoso lang. Hahaha. So ayon natapos ang internship ko nang hindi ko nakikita si Ryan. Ang saklap. Mali pala ako ng naramdaman. Kahit pala maliit ang mundo posible pa rin na hindi magkakitaan ang dalawang tao. Ang lungkot, men 😦

Fast-forward ulit tayo sa 2015. Naglalakad ako sa may Ayala Triangle pauwi kasama ang best friend ko nang biglang — boom!

Me to BFF: Hoy teka lang picturan mo’ko dali!
BFF: Anong picturan? Bakit? Anong meron?
Me: Si ano ‘yon oh! Bilis na! Nasan na cellphone mo?
BFF: Sino ba?!
Me: Si Ryan!
BFF: Sinong Ryan?
Me: Basta dali na! Lalapitan ko na ah.

***

Me: Hello, Ryan. Studyante ako ni Mam Chay. Intern din sa Rappler. Pwede magpapicture?
(Eww. Nakakahiya itong part na’to. Hahaha)
Ryan: Sure sige.
(Waaaaaah!!! Itsura ko!)
Ryan: Kumusta si Mam Chay? Pakisabi miss na sya ng batch. Pano, I have to go. Ba-bye!
Me: Sige sasabihin ko. (OMG!!! HAHAHA)

***

fb_img_1528447323540-627283047.jpg
Black and white na lang para mukha akong payat maputi. Hahaha.

Nakakalungkot na wala na ‘yong Multiply and LiveJournal accounts niya. Pero ‘yon. nga. Masaya ako na kahit ‘di ako magaling at consistent sa pagsusulat eh nagbunga pala ‘yong mga pagcocomment-comment ko sa mga posts niya. Di lang ‘yon at may bonus pa – ‘yong makita mo ‘yong idol mo sa Ayala! Hahaha.

Traces

There was a time I prayed that my memory would work like a computer where you could just delete unnecessary files, never to see it again, so I could just delete you out of my system. But even after deleting files on a computer, traces of its existence may remain. So He gave me something better: the power to be okay even with traces of you still in my thoughts. Pain may never go away completely, but it takes strength to live with it.

Pray for strength, not forgetfulness.

On letting go and moving on

I’ve posted this photo a year ago with a caption saying: “We are a team. You and I.”

A lot of things happened and our beautiful mess ended. Just like everybody else I am also human, capable of loving, of hurting, of retaliating, of ridiculing my own self in the midst of my crisis, of admitting my own foolishness in the name of love and respect.

This picture of us is the testament of myself: the lover, the fool, the enemy, the man. This is my acceptance of the truth thrown at my face. And now I just want to move on wisely.

Dulo

Bes, diba may rule no.1 tayo? Which is yung maging open sa isa’t isa? Hmm. Bes, di ko alam pano ko sasabihin. Naiinis ako na nahihiya, na nasasaktan. Bes, I’m fading. Idk kung anong nagyare 😦 anong nangyare sakin. Anong ginawa ko, anong meron bakit nagkaganito ako. Para akong naligaw na, na hindi ko alam kung saan ako babalik. Para akong umalis na alam ko naman kung paano umuwi, pero hindi ko na alam saan yung daan 😦 bes! Dalawang linggo nakong ganito. Dalawang linggo ko na to dinadala, and alam kong hindi na healthy, kahit ako. Eto yung dahilan kung bakit wala kong gana mag reviewat mag aral, dito ako stress, kaya kahit anong basa ko, review ko, hindi ko alam bakit hindi napasok. Nagpa hospital ako, after ko bangungutin, kasi after noon inatake ako ng heartburn, sabi ng doctor, sobrang stressed, kaya nag sleep paralysis ako and then after 2days, hyper acidity. Hindi kita sinisisi. Sinisisi ko sarili ko. Tangina anong nagyare sakin 😦 hindi naman ako ganito nung pumasok. Bakit ganito akong lumabas. Hindi ko maramdaman yung dapat kong maramdaman, yung gusto kong maramdaman. Threatened lang ako, kaya gusto ko ng ilabas. Exam na namin sa friday and putangina walang napasok sa utak ko. Gusto ko na mag quit, kung pwede lang. And pinaka reason nito kaya ko sinasabi is ayukong i-hang ka sa thought na sobrang labo na, and unhealthy na masiyado. Hindi mo deserve to bes. 😢 Im sorry!!!!! Ilang araw ko tong tinrabaho, bumalik ang dapat ibalik kaso bes, hindi ko talaga maintindihan eh bakit walang nangyayare. Siguro pinaka point ko dito is, mag focus muna tayo sa sari-sarili nating buhay. Mahal kita bes, kaso hindi ko alam anong pumasok sakin bakit naging ganito. Gusto ko gumaan yung loob ko, masabi yung gusto kong sabihin. Hindi ko intensyon saktan ka, alam mo naman yun diba 😦 una palang ayukong nasasaktan ka. Kasi never mo kong sinaktan. Tangina ko kasi eh. Napaka wala kong kwentang tao. Nandamay nanaman ako ng tao sa kamiserablehan ko. Sa pagiging iresponsable ko. 😭 Im sorry bes. Sana maintindihan mo.. gusto ko lang naman maging masaya ka, hindi ka kasi magiging masaya hanggat ganito ako, nararamdaman ko naman yon, na hindi ka masaya kasi hindi tayo ganito nag umpisa and hindi ganito yung ine expect mong set up natin after training. And ako din 😦 alam ko kasi araw araw lang ako may nasasaktan habang pinapatagal ko to. 😭

****

Tapos na. I guess ito na ‘yong dulo na sinasabi mo. Hindi pa ako makapag-isip ng mabuti ngayon. Ayoko ring replayan muna ‘yang message mo. O baka ayaw ko na ring kausapin ka. Hindi ko alam. Gusto kong umuwi pero nahihiya akong magpaalam sa boss ko. Hayaan mo, pag na-absorb ko na lahat ng sinabi mo, magsusulat ulit ako.